6 years had passed, it was 2nd day of January when my Papa left us...yes..just right after the new year celebration. And the saddest part was, he wasnt with us when he left...that's how painful it was. I can say that my family and I are all okay now..no more crying nights, but his memories, love and our thoughts of him will always remain.
Anyway, let me share you again my entry 6 years ago...about a daughter who's longing and in pain..her grieving, and love for her father.
"..parang kelan lang kasama pa namin ang papa ko...parang hanggang ngayon naririnig ko pa ang boses nya...hanggang ngayon di parin ako makapaniwalang wala na sya...kahit minsan hindi sumagi sa isip ko na pwede palang mangyari sa pamilya ko ang ganito. Ang akala ko taga-attend lang ako ng lamay ng patay ng may patay ng kamag-anak, ng kaibigan..taga-comfort ng nangungulila...pero ngayon ako naman ang nakakaranas ng sakit na naramdaman nila...hindi ko napaghandan. Dalawang buwan pa lang ang nakakalipas ng mamatay ang papa ko dahil sa atake sa puso...hanggang ngayon di pa ako nakakabangon sa sakit sa pagkawala nya...parang walang kapantay na sakit...Nasasaktan ako hindi lang dahil sa hindi na namin sya makakasama kundi dahil din sa panghihinayang at pagsisisi sa mga bagay na di ko nagawa sa kanya noong buhay pa sya. Ansakit sobra lalo na kapag naiisip ko na wala na talagang pag-asa para makabawi sa kanya dahil huli na ang lahat...Naaalala ko pa yung naging sagutan namin ilang oras bago sya umalis ng bahay...hindi ko alam na yun na pala ang huling pag-uusap namin...malungkot syang nagpaalam at hindi ko sya kinibo habang bumababa sya sa hagdan. Lagi naman kase ganon...aalis sya ng nagtatampo kase napagalitan namin sya dahil pabaya sya sa kalusugan nya, hindi sya nakikinig sa mga paalala...'alam mo na, pag tumatanda na nagiging pasaway na talaga. Umaalis syang nagtatampo dahil napagalitan pero makalipas ang ilang linggo bumabalik ng parang walang nangyari, nakangiti, masaya na para bang na-miss nya kami...mula kase nung magkaproblema ang pamilya namin naapektuhan din yung pagsasama nila ng mama ko kaya mas pinili nyang wag na sa amin tumira kaya dumadalaw-dalaw nalang sya. Pero sa mga oras na yun sino ang mag-aakala na yun na pala ang huling dalaw nya sa bahay...kung alam ko lang hindi ko na sana sya pinagalitan, di ko na sana sya inaway...Naaalala ko pa yung malulungkot nyang mata habang nakatingin sa malayo...hindi ko alam kung anong iniisip nya o kung malungkot ba sya...walang nakakaalam kung anong nasa isip nya o nararamdaman kase hindi ko naman sya madalas kausapin noon, madalas hindi sya napapansin. Inaamin ko naapektuhan ang relasyon namin sa kanya bilang mga anak nya noong nagkaproblema ang pamilya namin pero noong tinanggap namin sya uli sa bahay, muli naming binuksan ang puso namin sa kanya...hindi man ganon kadali maibalik ang dati pero pinipilit naming maiayos ang lahat. Mahal na mahal namin sya pero hindi namin nasabi sa kanya yun dahil hindi naman talaga kami vocal sa nararamdaman namin sa kanya, kahit sa simpleng pagyakap sa kanya hindi namin nagawa...kaya sobra akong nagsisisi at nanghihinayang dahil huli na...Madalas sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko inisip noon na pwede pala syang mawala sa isang iglap...sana naiparamdam ko muna sa kanya kung gaano ko sya kamahal at kung gaano ako ka-swerte na sya ang naging tatay ko pero hindi na mangyayari yun. Totoo nga yung kasabihan na nasa huli ang pag-sisisi...Sa pagkawala nya saka ko naisip at naramdaman kung gaano sya kahalaga, saka ko naappreciate yung mga nagawa nya noon sa amin, kung ano yung mga katangian nya na sobrang maipagmamalaki ko na wala sa ibang tatay...Papa kung alam mo lang hinding-hindi kita ipagpapalit sa ibang tatay...nangungulila ako ngayon sa mga yakap mo...sana nasabi ko sayo na mahal na mahal kita...Gabi-gabi sa pagtulog ko ibinubulong ko sa hangin na mahal kita at namimiss na kita...umaasang naririnig mo ito...Papa, andaya mo hindi kana bumalik, hindi mo na ako binigyan ng pagkakataon na makabawi sayo. Nakakalungkot sobra pero iniisip ko na lang masaya ka na ngayon...sana binabantayan mo kami...pa, mahal na mahal ka namin at andito ka lang sa puso namin habambuhay..."
|
faded in paper...but not in memory. |
Wish I could.....
I wonder where you are right now...wish i could see you somehow..
Cant seem to ease the pain since you've been gone, nothing has been the same
How i wish you could stayed awhile, how i wish that i could see you smile for me...
Wish i could hold you in my arms,keep me safe and keep me warm....
But now all i can do is hope and long for you....
You're in my mind every night and day,
Wishing you're part of me in every way
'cause all i wanted to do was to always be there for you
Wish that i could tell you just how much i love you...
I guess i should not fear 'cause i know God can heal
and He's telling me you're alright and there's no need to worry...
Im sorry if i had known maybe you couldve been here with me...
Wish that i could tell you just how much i love you....
-------------------------------------------------------------