Monday, April 17, 2006

paalam Paula....

Si Paula ay ang aming alagang ibon. Para saken isa syang kakaiba at matalinong alaga kumpara sa kapareha nyang si Polly...lovebirds sila..Madalas kong madinig ang akng mama na binabati sila tuwing umaga. Hindi man sila nakakapagsalita tulad ng ibang ibon pero mararamdaman mong nakakaintindi sila at naiintindihan din namin sila. May mga araw din na hindi namin sila napapansin pero gagawa sila ng paraan para mapansin...lalo na si Paula. Sa dalawang ibon sya ang pinakamaingay..kumbaga sa bata, bibo. Madalas nalilibang nya kami kase madalas syang magpasikat. Pero kahapon bigla na lang syang nanghina hanggang sa mamatay sa palad ng aking kapatid. Siguro dahil yun sa kung anong tumubo sa paa at tuka nya na hindi gumagaling kahit na anong gamot ang ilagay namin. Nakakapanghinayang at nakakalungkot. Nakakahiya man pero lahat kami napaluha. Siguro matatawa ang iba sa amin at sasabihin "sus! ibon lang yun!" pero hindi lang ganon...para samen kase ang bawat alaga ay myembro ng pamilya...Wala na si Paula...pero mananatili parin namin syang alaga..sa aming alaala

No comments:

Post a Comment