Friday, December 01, 2006

bakit matayog ang lipad ng saranggola ni pepe?

Nung nasa elementary tayo, bakit ang hilig-hilig nating magtanong ng mga stupid questions? For example, sasabihin ng teacher natin "Okay class, get one half sheet of paper" then sasagot tayo at in chorus pa ha "one half ma'am???" That is just one classic example of course.


Now that we are older, we still ask stupid questions but siguro ibang level ng stupidity nga lang.


Example:

May isang mama ako na kilala. Ooperahan daw sha...it has to do with his nose..sinusitis or something. Operang pang-mayaman ba yan? Pakiaalam ko. Anyway...yun na nga..ooperahan daw sha at dahil ang arte ko wala akong pakialam sinagot ko sha "wawa ka naman" in a sarcastic way. Then he answered "hindi ka ba naaawa sa akin?" in paawa efek. Syempre medyo hindi nakapag-isip ang lola mo ng matinong sagot "bakit ikaw ba naawa sa akin?". Sumagot naman ang lolo mo "naaawa..." pero halos di ko na nga narinig.


Ano ba ang point ng usapan na yun? Dapat ba akong maawa dahil ooperahan sha? Kasi di ba we're human beings and it's in our nature to feel sorry or at least be sad if something like that happens to someone we know?


Pano yan eh I did not allow myself to feel sorry for him. I mean sa araw araw na lang ng ginawa ng Diyos wala na akong inisip kundi ang kunin na sana sha ni Lord. Actually pa iba-iba naman yung hiling ko...sometimes babaw lang like kung sinisipon yung tao,hinihiling ko na sana tuluyan ng maging pneumonia yun or sana tubuan sha ng pigsa, mga ganun. So ngayon ooperahan sha...iniisip ko na naman na sana magkamali yung doktor at pumango ang mataas nyang ilong.


Dapat ba akong maawa? Pasensha na...I ask stupid questions eh.

No comments:

Post a Comment