Thursday, May 03, 2007

Paghilom.....

Sa ngayon masasabi ko na tinatahak ko na ang daan papunta sa pagbangon....sa unti-unting paghilom ng sugat. Hindi pa man lubusang naghihilom subalit ramdam ko na unti-unting nababawasan ang kirot sa pagkawala ng isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Hindi madali ang daang dinadaanan ko ngayon. May mga sandali na nadadapa parin ako at muling nananariwa ang sugat...ngunit sa tulong ng aking mapagmahal na pamilya at mga kaibigan, natututunan kong ngumiting muli at makalimot ng paunti-unti.....mabagal....pero alam kong makakarating din ako sa patutunguhan ko. Naniniwala ako na ang panahon ay may kakayahang makapagpagaling ng sugat...at kasabay ng paghilom ng bawat sugat ay ang mga aral na dapat matutunan...

No comments:

Post a Comment