Thursday, January 31, 2008

The Wedding Singer

"Ikaw ang bigay ng Maykapal,
tugon sa aking dasal..
Upang sa lahat ng panahon,
bawat pagkakataon,
Ang ibigin ko'y Ikaw......"


.....linya mula sa kantang "IKAW" na pinasikat ni Regine Velasquez. Yan ang isa sa mga most requested songs na madalas kong kantahin kapag naiimbitahan akong kumanta sa kasal. Noong nakaraang Sabado, Jan.26, naimbitahan ako uli na kumanta sa kasal ng kapatid ng close friend ko nong high school na ginanap sa Sto. Domingo Church. Kung hindi ako nagkakamali 'yon ang pang-sampung kasal na nakantahan ko. Natatandaan ko pa 11 years old palang ako noong una akong naimbitahang kumanta sa kasal. Nakakatawang isipin na sa bata kong boses noon ay nagtiwala na sila sa'ken. Alam ko kasing hindi biro o hindi ordinaryong performance pag kumanta sa kasal. Doon kelangan mong damhin at ipadama sa mga taong kaharap mo ang tunay na kahulugan ng pagmamahal sa pamamagitan ng kanta. Bukod syempre sa kasamang mairerecord ang boses mo sa video kaya kelangan talagang galingan :) Hindi ako nagpapabayad ng talent fee. Hindi ko naman kase profession ang pagkanta. Sa totoo lang isang karangalan pa sa akin kapag naiimbitahan ako. Masaya kapag alam mong nakakatulong at nakakapagpasaya ng tao. Sapat na din sa'ken na naging parte ang boses ko sa pinakamahalang araw nila at kapag paminsan-minsan ay napupuri ang pagkanta ko, masaya na ko don :) Pero sa bawat kasal na kinakantahan ko, hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko na..."Ano kaya ang pakiramdam ng kinakantahan ka ng paborito mong kanta sa kasal mo?"..."Kelan kaya darating yung time na ako naman ang kakantahan sa sarili kong kasal?" Hay! =) Alam ko darating din yun at pag dumating na, gusto kong kumanta sa sarili kong kasal=)

some of my souvenir pics =)

kumanta daw ba ng nakaupo? =)
(ate lhet & kuya rene's wedding)



at Kuya Bart and Ate Airene's wedding


3 comments:

  1. Anonymous6:33 AM

    wow, singer pala ang lola ko.. ^_^

    kasal, kasal.. sa june uuwi kami dyan sa Pinas dahil ikakasal ung kapatid ko. at alam ko kakanta ung gf nya.. :)

    pareho tau, gusto ko ring kumanta sa kasal ko mismo.. sana lang di magtakbuhan ung mga tao.. hehehe

    ReplyDelete
  2. Anonymous6:22 PM

    wow sis! singer ka pla... very demanding tlga ang boses mo ano? hmmmm.. napag isip-isp lng, pwde kbang kumanta s akasal ko? ahihihi-- im planing to go home next yr in GOD's GRACE to get married with my bf ung dad ng anak ko... hndi kc kagandahan ang boses ko e, kaya ika wn alng kakanta ha? ahihihihi

    now, nakita na kita closely...nakikiat lng kc kita jan sa photo mo sa heading ng iyung blog e...hihihi

    ...dont ya' worry darating din ung time na ikaw nman ang prinsessa ng sarili mong kasal!

    got new post pla sis! check iot out?

    happy weekend!

    ReplyDelete
  3. sel>karmi:hehe! im sure di sila magtatakbuhan noh takot lang nila sayo haha! =)

    sel>vera: talaga! wow sure it's my pleasure nna maging wedding singer mo basta inform molang ang lola mo ha =)

    ReplyDelete