Tuesday, January 22, 2008
The Road to Heal
January 2, 2007 when my papa passed away...isang taon na pala pero parang kelan lang nung simulan namin ang bagong taon namin ng sobrang lungkot. Ngayon, panibagong taon nanaman ng wala si papa. Sa totoo lang, di ko pa talaga tanggap na wala na sya. Iniisip ko na lang nasa malayong lugar lang sya at isang araw bigla na lang syang dadating sa bahay tulad ng lagi nyang ginagawa noon. Pero miss ko na sya sobra. Noong mga huling bisita nya sa bahay ilang araw bago sya mawala may iniwan syang bag ng mga gamit nya sa kwarto ko. Nung mamatay sya gusto ko sanang buksan yon para usisain at ayusin kung ano man ang laman non pero hindi ko pa kaya. Sabi ko sa 1st death anniv na lang nya. Pero ilang linggo na ang nakakaraan nung nagbabang-luksa kami pero ang bag ni papa, nananatili paring sarado at walang gumagalaw. Ni hindi ko man lang makuhang tignan ng matagal. Hindi ko alam pero ramdam ko hindi ko pa rin kaya...hindi parin ako handa. Natatakot ako na bumalik uli at manariwa lahat ng sakit ng pagkawala nya. Pero kung makakatulong ang pagbukas ng bag na yon para matanggap ko ang lahat, gagawin ko...pero kung kelan...hindi ko pa alam...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hello!....
ReplyDelete...ssssshhh i know how u feel. just think na ur father is in good hands now with HIM, safe na safe na siya ngaun!
...kung ang bag na yan ang magpapagaan ng pakiramdam mo, hayaan mo ang panahon ang maging daan upang mabuksaan yan...lahat ng bagay ay may tamang panahon. u just need to be strong kung ano man yang nasa loob na yan!
im just here to pray sis!
miss u rin po here!
vera thank u for this comment =') it helped me. u made me smile. tnx alot my friend. u r right, he's in good hands now and safe na safe...tnx for reminding me this vera. mwah! *hugs*
ReplyDelete