Saturday, February 21, 2009

Lucky or Not?

Nakaugalian ko na sa tuwing naglalakad ako ay nakatingin ako sa nilalakaran ko. Ako kase yung klase ng tao na laging natitisod o kaya ay natatapilok. Kaya nu'ng nakaraang Sabado habang naglalakad ako mag-isa, hindi sinasadyang nakakita ako ng P500.00. Nakatupi ito sa tatlong tupi. Syempre kinuha ko sabay tingin sa likod, gilid kanan kaliwa, para makita kung sino ang posibleng nakalaglag ng pera para maisauli ito pero wala naman akong nakita. Kaya ang ginawa ko, tumayo muna ako siguro mahigit isang minuto habang hawak ang pera para makita agad kung sakaling balikan yon pero walang lumalapit. Sumagi din sa isip ko na baka patibong yon gaya ng mga napapanood ko sa TV...baka WOW Mali o kya ay Bitoy's at may nakatagong camera....kaya nag-aalangan talaga ako na kunin at ibulsa yung pera. Parang nahihiya ako. Hindi ko alam ang gagawin ko sa totoo lang. Sa buong buhay ko ngayon lng kase ako nakapulot ng pera, maliban sa papiso-pisong napupulot ko sa loob ng bahay namin. Nag-aalangan talaga ko pero anong gagawin ko syempre kinuha ko na. Inisip ko swerte bang matatawag yon na sa dami ng tao na dumadaan don e ako pa ang nakakita. Pero sa kabilang banda, naisip ko din kung sino man yung taong nakahulog baka kailangan na kailang nya yung pera at baka sa mga oras na yun ay umiiyak na yon. Swerte nga bang matatawag? Dati kapag nakkarinig ako ng kwento mula sa iba na nakapulot sila ng pera ang sinasabi ko agad "ang swerte mo naman" pero iba pala kapag sayo na mismo nangyari. Hanggang nagyon hindi ko pa alam ang ggawin ko sa perang yon.Natatakot din kase ako, kase sabi ng iba, pag nakapulot ka ng pera, mas malaki ang mawawala sayo. Scary diba? Totoo kaya yon?





Heeheee :P


Saw this from CartoonStock.com

this mAde me LOL :P




No comments:

Post a Comment